Sinupan ng Akdang Pilipino

Ang Pag-Ibig Ko'y Ikaw

ni Lilia Reyes

Kay hirap sumuyo nang malabis,
Sa isang tunay mong pag-ibig!
Lalo na't ganti sa'yo'y pasakit!
Halos matunaw ang iyong dibdib!

Kaya pala, O Irog
Ikaw ay nag-alinlangan
'Pagka't mayroon ka nang ibang mahal!
Nagbabalat-kayo ka,
At ngayon ko nalaman,
Puso mo'y isang salawahan!

Kahi't ka na lumimot
Sa ating mga sumpaan,
Mamahalin pa rin kitang tunay!
|: Lagi kang susuyuin,
Buhay ko ma'y pumanaw,
Pagka't ang pag-ibig ko ay ikaw! :|

[BUMALIK]